Ang blog na ito ay tungkol sa sining ng komiks, musika, mga akda, at iba pang paksa tungkol sa kalikasan, heograpiya, panitikan, kalusugan, fashion, sexy, at misteryo.
Biyernes, Hulyo 23, 2010
HARIWAYA BAGUIO TOUR 2010
By: Hazel Ann Varroza
Nitong, August 4, 2010, kaalinsabay ng ika- 22 kaarawan ng bagong editor( ng aming underground newspaper na kumakalat ng kaunti sa UP ) na si Quennie Leigh Alipio ay isang tour ang isinagawa sa mga naging staff ng dyaryo, ang destination, Lourdes Subdivision sa Baguio City.
bale, pa-blow ito ng sosyal na kaibigan namin.
almost 20-30 person kaming pumunta doon sakay ng 3 van at 1 Fx, at 2 kotse. ang iba ay nag-commute. bale celebration na rin sa b-day ni Leigh at pagiging bagong editor in chief ng Hariwaya.
4:00 am kami umalis ng madaling araw ng Lunes at nakarating ng 7:30 am doon.
siyempre, pasyalan kung saan -saan ang mga staff sa magagandang views sa Baguio at bili ng souvenir items.
At ang maganda dito, Very rich ang mga kasama namin na pawang mga staff ng Hariwaya na siyang sumagot ng expenses namin at inuupahang bahay doon.
Naki-pagcoordinate si Leigh at si assistant editor Nelson Fonseca (papa!) sa Rizal Elementary School kung saan ay doon naggrade 2 to 4 ang lola Leigh. Bale, nagkaroon ng contest sa isang Park(Imelda Park) involve ang mga tsikiting mula grade 4 to grade 6 pupils.
Sagot ng staff ang mga prizes na school supplies, shirts, at 500-250 pesos cash prize.
ang mga pa-contest ay slogan making, poetry, poster making, declemation, short story, at monolouge.Bale ito ang pinaka-diwa ng birthday ni Leigh.
Ang hurado sa mga contest ay sina Franciso Malic Jr. (poetry) Demi Arroyo (slogan) Hazel Lyn Varroza (Declemation) Ravenson Biason (poster making) at si lola Leigh sa monologue
Ang theme ng pa-contest ay "Kabataang Pilipino, Taas noo sa Mundo.
Ang hariWaya o ( hari ng Diwang malaya) ay isang grupo ng mga mag-aaral na ang iba ay graduate na na pawang mahihilig sa literature. Ito ay itinatag noong June 1998.
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento