Martes, Abril 5, 2011

ANG KALAPATI AT UWAK, SI NOE AT SI PROPETA ELIAS!





Si Propeta Elias habang dinadalhan ng mga uwak ng tinapay.

Ang ibon gaya ng kalapati at uwak ay malimit na binabanggit sa ilang talata ng Banal Na Kasulatan. Kapwa may sagisag rin na may kasingkahulugan ang 2 ibon. Ayon sa ating Panginoong Jesucristo, ang kalapati ay simbolo ng katapatan.

At tungkol sa uwak, sumasagisag sa isang tumatangay at nabubuhay lamang sa tira ng iba. At ang pambihira sa kanila, mai-uugnay mo sila at may koneksiyon sa dalawang karakter sa Biblia, ang patriyarkang si Noe at ang propeta ng Israel na si Elias. Sa papaanong senaryo, naging bahagi ng buhay ng dalawa ang mga naturang ibon. Walang ibang ibon na nakuha ng eksena ng dalawa na markado sa Biblia.

Nang matapos ang delubyo o ang bahang gunaw, pinaronda ni Noe ang uwak upang magnanap ng ebidensiyang nakati o humupa na ang tubig baha at makahanap ng tuyong lupa. Ang nangyari, bumalik ang uwak na walang dalang anumang palatandaan o bakas na humupa nang tuluyan ang tubig. O, hindi ito nahanap ng tuyong lupa. Ikalawang pinaronda ni Noe ang kalapati at buma,lik rin ito nang walang nangyari. Nang ikalawang paronda niya rito, pagbalik nito ay may tangan na itong dahon ng olibo sa kanyang tuka.


Pagkalipas ng pitong araw ay pinaronda uli ni Noe ang kalapati. Pero, hindi na ito nagbalik sa daong na katunayan na tuluyan nang nakati ang tubig at nakahanap na ito ng tuyong lupa at punong madadapuan. 



Sa lagay ay parang naging useful na ibon ang kalapati kay Noe. At tungkol sa uwak, parang wala siyang napala rito. Ganun nga ba? Hindi po. Nagkataon lamang na mahirap pa sa uwak ang sitwasyon kung kaya bumalik agad ito sa daong o ark kung saan naroroon si Noe. Ang totoo, kapaki-pakinabang kay Noe ang dalawang ibon kung kaya ito ang kanyang pinalipad upang maghanap ng tuyong lupang madadapuan. Ayon nga sa Bible Scholars, ang kalapati at uwak ay tinaguriang “Mga Ibong Tagapaglingkod” na mas matalino kaysa alinmang ibon.

Ngunit, sa kasaysayan ni propeta Elias, ang naturang ibon o uwak ang siyang kaagapay ng propeta upang mabuhay siya habang nasa ilang na lugar. Ginagamit ng Panginoong Diyos na kasangkapan ang uwak upang pakainin ang kanyang lingkod na si Elias. Kung titingnan, parang imposible yatang mangyari iyon. Parang inutil yata si propeta Elias at wala siyang magawa para pakainin ang sarili. Ganun nga ba? Hindi po.



Inutusan kasi ng Diyos ang naturang propeta na magtago sa Kerith Ravine na nasa silangan ng Ilog Jordan. Bakit? Kasi, hinahanting siya nun ng mga opisyales ng hari ng Israel para patayin. So, papanong didiskarte ng pagkain si Elias gayung ang lagay niya e parang shoot to kill na ginagawa sa kriminal sa panahon natin ngayon. Isa pa, karatig ng ilang ang lugar na iyon at laganap pa ang taggutom dahil sa tagtuyo dulot ng hindi pag-ulan ng mahabang panahon.

Dahil sa sumasampalataya at nagtitiwala si propeta Elias sa Diyos ay sinunod niya ito. Umiinom siya ng tubig sa batis. Dinadalhan siya ng Diyos ng pagkain sa pamamagitan ng mga uwak ng tinapay at karne sa umaga at gabi.








Walang komento: