Linggo, Abril 24, 2011

MY TOP SEXY AND GORGEOUS PINAY APRIL 2011

Let's start the fun, bilang mapanuri at mapagmasid sa paligid, may mga natitipuhan akong mga Pinays sa iba't-ibang larangan. Mapa-artista man yan, atleta, mang-aawit, modelo ay gagawan natin ng ranking yan. Kaya simula ngayong buwan ng Abril, gagawa na tayo ng TOP SEXY AND GORGEOUS PINAYS  na parangal sa ating babaeng Filipina.

Ito ay parang version ng  FHM o Maxim Top 100 gorgeous and sexiest women. Kaya sa mga dehado o limayado doon sa naturang ranking, malamang dito sa RAVENHEINE TOP SEXY AND GORGEOUS PINAY, baka makabawi ang ilan. Ito ay pananaw ko lamang at may dahilan ako kung bakit nasama sila sa listahan ko. 

Here's my list of my SGP pati ang kanilang ranking.




1. Anne Curtis

Nakakatuwa kapag pinagmamasdan mo siya. Cute siya kahit na magsalita. Tingin ko, hindi siya snobbish at malambing siya. Kasalukuyan siyang mapapanood sa Green Rose sa papel na Angela. Remake lang ang naturang palabas na orihinal na gawa ng South Korea. Sa ABS-CBN din napanood ito noon. Mapapanood din si Anne sa Showtime tuwing umaga. 




2. Angel Locsin

Sadyang malakas ang karisma ng isang Angel Locsin na habang nagkaka-edad ay lalong humihinog ang alindog. Hindi nakakasawang tingnan. Lalong humuhusay sa kanyang pag-arte sa teleseryeng IMORTAL kung saan gumaganap siya bilang si Lia Ortega ( Pakitama po ako kung mali ang spelling ). 


3. Marian Rivera 

Iba ang karisma at dating ng kasintahang ito ni Dingdong Dantes. Hindi makakailang isa si marian sa may pinakamagandang alindog sa mundo ng showbiz. Malakas ang dating ng  tingin ni Marian at talagang seksi ang kanyang katawan. Isa siya sa pambatong artistang babae ng Kapuso Network.

4. Mocha Uson
 Maituturing kong diyosa ng alinbdog si Mocha dahil sa pagiging matapang niya upang ilabas ang kanyang alindog. Marami ang humahanga sa kanyang kagandahan at kaseksihan kung kaya hindi ako magtataka kung siya ang madalas hanapin ng barako sa internet.Kung hihimayin ang beauty at karisma ni Mocha, pupuwede siyang maging pornstar dahil de-kalidad naman ang beauty niya. Pero, bilang yumayakap sa kulturang Pilipino, hindi na kailangang gawin iyon ni Mocha, sapat na ang pagpapaseksi niya.


4. Cristine Reyes

Markado si Cristine sa katatapos lang na teleseryeng Kristine na kung saan gumanap siyang Jewel. Masasabi kong nag-improve na ang akting ni Cristine at sumabay ito sa kanyang alindog. Alam kong maraming barako ang nagpapantasya sa kanya. Malambing ding magsalita at sa tingin ko'y mabuting kaibigan, mapait na kaaway pero madaling magpatawad.

5. Jackie Rice
Mukhang inosente pero malakas ang dating. Malakas ang karisma at ganda ng isang Jackie Rice. HIndi nakakaumay ang beauty. Isa siya sa mga rason kung akit ako nanonood ng Bubble Gang. 


6. Iwa Moto
Siksik, liglig, at umaapaw pa rin ang karisma ni Iwa. Kahit anong katawan yata ang dalhin nito ay bumabagay sa kanya. Nadagdagan lalo ang kaseksihan niya nang siya ay pumayat dahil sa disiplina sa  martial arts. 




7. Katrina Halili


Mabuti na lamang at nakabangon na si Katrina sa iskandalong kinasangkutan nito na kagagawan ng isang tokmol na doktor. Hindi pa rin kumukupas ang kanyang kaseksihan.





8. Asia Agcaoili

Bagama't may esposo na, nananatili pa rin ang karisma ni Asia. Ang seksi-seksi pa rin niya kahit siya ay ganap nang isang ina. Kaya nga siya kinuha na maging modelo ng Playboy. Para sa akin, si Asia ang may pinakalamakas na appeal sa mga bebot na kabilang sa Viva Hot Babes.







9. Paloma Esmeria
Masasabi kong isa siya sa may pinaka-malakas ang appeal sa ngayon  na para bang walang matinong lalaki ang di puwedeng tumanggi sa kanyang kagandahan at kaseksihan.

10. Bangs Garcia
Hinog na ring umarte si Bangs nang mapanood ko ang teleseryeng Kristine. Sana'y bigyan pa siya ng maraming palabas upang mahasa siya sa pag-arte.

11. Sam Pinto
Malakas ang dating at sipa ng kanyang beauty. Kaya lang, medyo hilaw pang umarte. Konting tiyaga lang at mahihinog ka rin sa pag-arte. Keep it up.



12. Maricar Reyes

Isa ang karakter ni Maricar bilang si Samantha sa teleseryeng Imortal ang may mahalagang papel. Humuhusay lalo sa pag-arte. kahit na nasangkot sa isang iskandalo ay nanatiling tahimik. Biktima lang din siya ng mga pagpapalitaw ng kahubaran ng walang magawang doktor. habang tumatagal, lalo pang tumitingkad ang kagandahan ni Maricar. 



13. Ehra Madrigal
Iba ang beauty ni Ehra. Mukhang malambing at masarap kausap. Mukhang inosente pero malakas ang dating ng sex appeal. Pero, hindi bastusin.



14. Gwen Garci
Masasabi kong sa lahat ng Hot babes,  si Gwen ang sinuwerte sa larangan ng pelikula. uiyon nga lang, maraming napagdaanang pagsubok. Isa ang tipo ng beauty na tsinita look ang nagustuhan ko kay Gwen.



15. Hazel Cabrera
Mukhang inosente si Hazel pero ang lakas din ng sex appeal. Noong bago pa lang ang kanilang grupo na Viva Hot babes, nabaliw ako sa alindog nito. Hanggang ngayon ay marirap siyang mawala sa listahan ng GSP ko. 


16. Kristine Jaca
Isa ang Viva Hot Babe na ito sa may malakas na sex appeal pero mukhang may pagka-tibo. Mukha siyang matured pero ang ganda ng hubog ng katawan. 




Kahit mahina sa ngayon ang kanyang career o tumatamlay, walang dudang malakas pa tin ang arrive ni Ara. Kahit na nagkaka-edad na ay may dating pa rin. 


18. Abby Poblador

Mabenta ang alindog nito sa mga Men's Mag. Nagustuhan ko sa kanya ang materyales puentes na katawan pero mukhang inosente.




19. Assunta de Rossi
Isa si Assunta sa crush kong mga bebot noon. Malakas pa rin ang arrive niya.


20. Diana Zubiri
Kahit na isa nang ganap na nanay ay malakas pa rin ang dating at kaseksihan ni Diana.


21. Maureen Larazabal

Malakas pa rin ang arrive ni Maureen. nang dahil sa Bubble gang, mukhang magaling na rin siya sa pagpapatawa. Beauty and Height ang panlaban ng bebot na ito.


22. Michelle Madrigal
Isang superhero na may kakayahang sa magnetism si Michelle sa panta-seryeng Captain Barbell. gaya ng kanyang kapangyarihan, malakas pa rin ang hatak ng bebot na ito.




23. Kat de Santos
Isa si Kat sa mga pinaglumaang sexy star ang nagustuhan ko ang karakas. Malakas ang sex appeal. sana mabigyan ito ng break sa telebisyon sa mga teleserye.


24. Iza Calsado

Hindi porke top 24 si Iza ay ito ay hindi nangangahulugang kulelat ang kanyang alindog. Maaaring nagkamali lang ako ng pagsasa-ayos. Hayaan mo Iza, sa sususnod nasa itaas ka na.


25. Paulene So

Pamatay na tsinita. malakas ang dating. Isa siya sa mga tisinitang nagustuhan ko ang beauty.

Marami pa sanang mga bebot ang kasama sa listahan ko. Mga 50 sila. Pero, nararapat lang muna na dito lang humanga ang ating list. Top 25. Maaaring sa susunod, ang mga wala ay mapasama na, at ang mga nasa talaan ay mawala. O maaaring magpalit ng puwesto.

Walang komento: