Linggo, Abril 17, 2011

WILLIE REVILLAME AND CHILD ABUSE SCANDAL REVIEW



Mainit ngayon ang isyu tungkol sa Child Abuse ng sikat na male TV host na si Willie Revillame. Kinondena ng iba ang TV host na lumabag sa karapatan ng mga kabataan. Binatikos si Willie sa isyung Macho Dancing ng isang batang contestant sa kanyang show kung saan ay umiiyak ito habang sumasayaw na animo’y iginigiling ang katawan. 

May mga kakilala ako lalo na ang mga matatandang babae kung ano ang istante ko sa isyung ito. Pag-aralan ko raw at himayin. Pati kakilla kong dealer ng diyaryo na taga-hanga ni Willie ay araw-araw akong pinipilit upang ilabas ang pahayag ko rito. Hindi sa nakikisawsaw ako sa isyu. Pero, mabuting himayin natin ito at itama ang pananaw ng iba. Ayusin natin ito at tayo’y magkaliwanagan. 



Napanood ko sa You Tube ang video clip ng naturang sayaw ni Janjan, 6-anyos. Maliwanag na macho dancing nga iyon. Nang makita ng host (Willie) na sumayaw na ang bata, tumawa siya. Pati audience ay nakitawa na rin. Ang nakakalungkot, umiyak ang bata habang sumasayaw habang tuwang-tuwa ang mga tao.
Batay sa paghihimay nating mabuti sa video clip, may mga tanong tayo na sasagutin ng tama at batay sa matuwid na katuwiran.. 

-       Bakit tumawa si Willie pati ang mga audience hang sumasayaw ang bata habang kumukilimlim ang mga mata nito na paiyak na?
-        
Natural na entertainment iyon. Natawa ang mga tao hindi dahil sa hinahamak ang bata. Ito ay bugso ng paghanga at na-appreciate nila ang talent ng bata. Natural lang sa matatanda na sumaya at tumawa kapag nakita nila ang isang bata na ginagawa ang bagay na kawili-wili.

-       Child abuse bang matatawag iyon gaya ng sinasabi ng iba anupa’t kinondena nila ang host at idinemanda pa?

Sa tingin ko hindi. Kung rerepasuhin nyong mabuti ang video, gusto rin ng bata ang kanyang ginawang pagsasayaw. Dangan nga lamang na kumulimlim ang kanyang mga mata at umiyak ng bahagya. Sumayaw ang bata upang mairaos ang kanyang talent na naipakita sa audience. Malamang ang pag-iyak niya ay may bahid ng hiya na baka husgahan siya ng mga tao sa kanyang gagawin. Pero, pagkatapos niyang sumayaw, kampante na ang bata.

Bago sumayaw ang bata, niyakap ng kanyang tiyahin si Willie at tuwang-tuwa ito na umiiyak dahil matagal nang gustong mayakap ng tiyahin ni JanJan ang TV host. Nang makita ni Janjan ang kanyang tita na umiiyak, napansin kong napaluha siya. Marahil na nabagabag ang kalooban ng bata sa eksenang iyon at nagalak sa tuwa ang kanyang damdamin kaya siya naluha. Malamang na ang bugso ng damdaming iyon ay dala niya pa habang sa pagsasayaw kaya siya umiiyak.

Hindi siya pinilit gawin ang bagay na ayaw niya. Sumayaw pa rin siya. Pero kung naging tuod ang bata at ayaw talagang sumayaw tapos pinilit siya ng todo para sumayaw lang, iyon ang mali. Kung humagulhol talaga ito ng todo, iyon ay labag na sa kanyang kalooban. Mali at di na tamang pasayawin siya kapag gayun. Iyon ay pang-aabuso na sa bata.

Pero sinabi pa nga ni Janjan bago siya sumayaw, nagpapasalamat siya sa kanyang tiyahin dahil dinala siya sa show ni Willie at sinamahan pa. Ang mali lang ditto ni Willie, inilahad pa niya ng detalye kung bakit ginagawa ng bata ang halimbawa ng pagsasayaw dahil sa kahirapan ng buhay. Hinalimbawa niya ang Burlesk King o Queen na ginagawang sumayaw para sa pamilya. Dapat nagging maingta siya sa kanyang bibitawang mga salita dahil lahat ay nakatutok sa kanya.

Isa pa, mali ang ginawa ni Wilie nang tawagin niya si Bonel Balingit at hinamon ng suntukan ang bata laban sa former cager. Kahit natuwa naman ang bata kay Balingit, hindi na dapat sinabi pa iyon na hinahamon ng suntukan ang bata. Isa rin iyon sa tinitingnang kung anggulo na isang ugat kung bakit umiyak ang bata dahil natakot yata kay Balingit. Isa pa, kung pinatanggal kay Jan jan ang kanyang suot na damit na tila ago-go dancer, iyon ay karumal-dumal nang tingna habang sumasayaw at umiiyak pa. 





-     Dapat ang idemanda si Willie dahil sa nangyari? 

Hindi.  Walang may gusto sa nangyari at hindi iyon inaasahan. Kung sa kalooban ng batang si Janjan ay labag talaga sa loob niya ang sumayaw, hindi na dapat ito sumayaw o nagpasabing ayaw niyang sumayaw. Pero, sumayaw pa rin siya. (Pero, sisiyasatin ko din kung may pumilit sa bata na sumayaw gaya ng sinasabi ng ilan na pinilit daw ito ng kanyang mga magulang o tiyahin). Kung ganun nga ang nangyari, maliwanag na pang-aabuso na iyon. Kung mali talaga si Willie, unang-unang dapat magreklamo ang pamilya o mga magulang ng bata. Pero hindi naman gayun. Iba ang nagtutulak at gumagapang upang hatulan si Willie.
Kung inyong susubayayan sa You tube ang mga komento ng masa. Pawang hindi nila gusto ang ginawa ng ilan kay Willie. Na ang isang nanahimik na show na kinaiinggitan ay pinag-initan pa.


 Para naman doon sa mga magulang o taong kinondena ang host dahil sa Macho Dancing na hindi raw nila papayagang maging ganoon o isaak ang kanilang anak para lamang magkapera. Ang masasabi ko lang, paimbabaw at mapagkunwari sila. Bakit? Hindi ba't ang ilan ay isinasali nila ang kanilang mga anak sa mga Star Search sa TV upang magkaroon ng datung. Upang makaahon umano sila sa hirap.

Maliwanag na propaganda at Granicus ( o hidden agenda at mga conspiracy upang pabaksakin si Willie) ang naganap na dulot ng mga taong naiingit at insecure sa kanya. Massabi kong gaya ng mga Paraseo ang mga taong nagsasabing ginagamit ni Willie ang mga mahihirap upang pagkakitaan.

Ang anghang ng kanilang pahayag, akala mo kung sinong may puhunan sa mga mahihirap, ala naman. Ang show ni Willie kahit papaano ay nagiging kanal o access ng mga taong hopeless na at nais makaahon sa hirap na kahiot papaano ay umaasa sa biyayang dulot ng kanyang show. Na kahit papaano ay nagbibigay tuwa at saya sa mga masang nalulumbay.

May mga lihim at lantarang kaaway rito si Willie na hangad ang kanyang pagbaksak. Kaaway sa mental at emosyonal na pagpapahirap upang siya'y ilugmok. Pero sa ginagawa nila, lalo lang nilang naitatama ang mga mali ni Willie at sila ang nagiging masa sa mayorya ng sambayanang Pilipino. Sabi nga sa talata ng Kawikaan at ni propeta Nahum


"Huwag mong hangarin ang pagbaksak ng iyong kaaway o ng isang taong matuwid. Huwag mo ring ipagdiwang ang kanyang kaabahan. Nakikita ng Panginoon ang kanyang paghibik at kapag nagkataong tumawag siya ay pakikinggan siya ni Yahweh. sa gayun silang mga nanlilibak ang hahatulan."


Tanong, nakikisawsaw alang ba ang ilan sa mga personalidad na hindi naman dapat makisawsawa at walang kinalaman sa isyu? 

Sapol, bagama't may karapatan tayong ihayag ang ating opinyon at karapatan sa pamamahayag, hindi naman dapat ipagmalabis ito upang tapakan natin ang isang tao upang siya'y bumulagta. 

Maliwanag na ang ilang personalidad sa showbiz na nakisawsaw sa isyu ni Willie ay nagpalala ng gusot. Kinondena nila si Willie.  

Itinuring na isang ipot ng baka pero ang totoo ay isang masarap na pastilyas na dinadapuan ng mga langaw galing sa basurahan. Kung kaya ang mga langaw na ito ay nabusog. 



Sa madaling salita, itong  mga nakisali ay napag-uusapan ngayon ay nabuhay ang nanghihingalo o mahina nilang karera dahil natabuna na sila ni Willie. Sa Pilipinas, 12 tao lang ang sa tingin ko ay maimpluwensiya sa ngayon. At 2 sa 12 ito ay sina Paquiao at Willie Revillame. 

Ang dapat gawin ngayon ni Willie ay mag-ayuno at magmuni-muni. Isipin ang mga bagay na maaaring ipukol sa kanya o naipukol na. Sa gayun ay  maitama na niyang lahat ang kanyang pagkakamali. Kapag tama at walang mali ang gagawin ni Willie, walang maipupukol sa kanya. At maghahanap na naman ang ilang taong naiigit  sa kanya ng bagay upang butasan siya. 

Pero, parang mga mangingisda lang sila na naghahasik ng lambat sa ilog na puno ng basura at walang isdang mahuhuli.



Walang komento: