Martes, Marso 29, 2011

PLANET X, DARATING BA SA TAONG 2012?

PLANET X, DARATING BA SA TAONG 2012?





Ang mga Sumerian ay naniniwala na ang planetang Nibiru ay umiiral. Nakukumpleto nito ang pag-ikot sa araw (revolution) kada 3,600 taon sa panahon natin.

Ngayon ating pong tatalakayin ngayon sa pitak na ito ang tungkol sa planet Nibiru o ang tinatawag na Planet X.

Ang naturang planeta’y naaninag ng mga astronomers noong 1983 pa sa outermost o halos nasa labas na ng sistemang solar. Ito ay namataan ng infrared observatories na nakita umiikot sa Kuiper Belt. At ngayo’y mabilis raw itong papalapit sa atin at maaaring makapasok sa ating inner Solar System sa taong 2012.

Ito ay natuklasan ng NASA’s Infared Astronomical Satellite (IRAS) na may layong 50 bilyong milya. Naging misteryoso ang naturang tuklas at nagdulot ng kuryusidad at ingay sa tao. Nalathala sa Washington Post noong ika-31 ng Disyembre 1983 ang tungkol sa Nibiru na may pamagat na “Mystery Heavenly Body Discovered”.


Pinag-aralan ng mga astronomers sa loob ng 5 taon ang Nibiru at pinaniniwalang isang small star na katulad ng ating sun. Tuloy, nagkaroon ng hinuha na ang ating solar system ay isang binary system. Mismong si Zecharia Sitchin ang nagpangalan sa misteryosong planeta na pinaniniwalang niyang tinatahanan ng human ancestors bago pa lalangin ang Earth.


Ano raw ang magiging epekto ng paglapit ng Nibiru sa ating planetang Earth? Sinasabing milyong o bilyong tao ang maaaring mamatay, lalo pang lalala ang global warming, paglindol, tagtuyot, taggutom, solar eclipse, killer solar flares. Ang posible pang epekto nito kapag malala na ay digmaang pansanlibutang muli o World War III. Ang solar flares ay dulot ng Nibiru na nagdudulot ng blasting o pagpapasabog sa core ng Solar System.


Sa pagtantiya nga, lahat ng ito’y magaganap sa taong 2012 at ngayon pa lang ay dapat nang paghandaan ang mga kalamidad at sakunang darating. At ang nakakagimbal, paghandaan na rin natin ang ating katapusan… ang katapusan ng human race.

Ang pagdating ng Nibiru’y dulot ng highly essentric orbit na magdudulot ng gravitational havoc sa Earth. Ito’y magdudulot naman ng geological, social, economic, at environmental damage. Ayon kay John Major Jenkins, kung magaganap man ang lahat ng ito’y hindi pa ito ang katapusan ng daigdig. Kundi, magsisimulang muli ang bagong kasaysayan ng sangkatauhan.




Kapag may mga naka-survive sa pinsalang dulot ng Nibiru’y ay awtomatikong magsisimula ang time o taon sa bilang na 0. Reset ika nga ang panahon sa ganoong bilang. Kaya, kapag nakabangon ang earth at may mga nakaligtas sa sakuna’y ay magsisimula muli ang pag-inog ng buhay at panahon sa petsang Enero 1, 0001. Inyo pong mapapanood sa You Tube ang mga video na patungkol sa Nibiru at kung anong dulot nito kapag tumama sa ating planeta. Ayon kay Nancy Leider, sa Hulyo 2012 ay lalo pang lalapit ang Nibiru sa mundo.

Paunawa po, ito ay pagtantiya lamang ng iba at walang dapat ipangamba. Atin lamnang pong inilahad ang tungkol sa Nibiru upang malaman natin kung ano ang misteryo tungkol sa planetang ito.


PAGTUKLAS SA PLANET NIBIRU!




Ang artikulong lumabas sa New York Times noong ika-30 ng Enero 1983 tungkol sa Planet X.

Kapag pinag-uusapan ang Planet X, asahan mong babarahin ka ng mga taong hindi aruk ang kahiwagaan tungkol dito. Kung ang naturang planeta ay talagang umiiral, sasabihin umano ng gobyerno (ng Estados Unidos) ang tungkol dito.

Nagtatanong tuloy ang mga taga- NASA nang ganito: “Are We Alone in the Universe?” Noong taong 1992, ang video ni Zecharia Sitchin ay unang nagpahayag ng tungkol sa Planet X na bukod pa sa NASA Press release. Ang video ay may pinamagatang: “Are We Alone in the Universe? Na mas pinaigi pa noong taong 2003. Ito ay patungkol nga sa naturang planeta na tinatawag ding Nibiru ni Sitchin.

Ang hindi maipaliwanag na paggalaw ng orbit ng planetang Uranus at Neptune ay nagtuturo pa sa malaking point ng outer solar system body may timbang 4-8 beses na bigat sa planetang Earth. Ang highly tilted orbit ay may layong 7 bilyong milya mula sa araw. Ayon kay Sitchin, ang pagkatuklas na ito ng NASA ay isang bombshell na hindi inaasahan ng sangkatauhan.


“Noong nakalipas na 10 taon, ang gobyerno ng US sa pamamagitan ng Naval Observatory ay lumayag para sa pagtuklas ng Planet X. Ang lider ng team na nagsasaliksik sa naturang proyekto ay si Dr. Harrington na sumang-ayon sa mga ancient evidence na aking inilatag. Noong panahong iyon, ang The New York Times ay nagsulat ng isang artikulo tungkol sa pag-iral ng post Plutonian planet na pinangalanan… (Nibiru)



Wala nakong pagdududa noong mga panahong iyon. Sa aking paniniwala at pananaliksik na ginawa rin ng awtoridad, ang pag-iral ng Nibiru ay opisyal nang kinompirma.” pahayag ni Zecharia Sitchin.

“Kapag pinag-usapan ang Planet X, asahan mo na ang pambubuska ng mga taong hindi naniniwala rito. Tinatawag din ng ibang nagdududa na Eris o Tenth Planet ang Nibiru. Ang object ng Eris ay mas malaki ng kaunti sa Pluto at may 60% laki sa sukat ng ating buwan. Noon ko pa sinasabi na ang Pluto ay hindi isang planeta, kundi isang lifeless rock object sa kalawakan. Ngayon nila napatunayan na tama ang hinuha ko noong taong 1983.” ani pa ni Sitchin noong Seyembre 21, 2009 sa Planet X at 2012 Forum.




Kinumpirma naman ni Steve Russell sa kanyang panayam noon kay Sitchin noong Enero 10, 1983 na si Sitchin ang unang nakatuklas ng Planet X. Noong Enero 26, 1983, 16 araw pagkatapos ihayag ni Sitchin ang panayam sa kanya ni Russell sa The New York Times, ini-launched ng NASA ang Infrared Astronomical Satellite (IRAS).

Doon ay nakakuha ng IRAS ng satellite image ng Planet X noong nagsagawa sila ng sky survey noong araw ding iyon. Apat na araw pagkatapos noon, lumabas sa artikulo ng New York Times ang tungkol sa Planet X noong ika-30 ng Enero 1983, araw ng Linggo.

ANG PLANETANG TIAMAT

ANG PLANETANG TIAMAT
Batay sa aklat na The 12th Planet



Ang planetang Tiamat ay dati umanong nasa pagitan ng planetang Mars at Jupiter. Nagkaroon ng banggaan ito sa buwan ng planetang Nibiru at nawasak.

Ang mga paksa po na ating tatalakayin ay isa lamang paglalahad ng misteryo na maaaring makaligaw ng inyong paniniwala at pinanghahawakan sa ngayon. Nasa sa inyo po mga kababayan kung inyong paniniwalaan o hindi.

Upang malaman natin kung ano ang pagkakaiba nito sa nakasaad sa Biblia. Sa gayun, malalaman natin na ang mga ito ay pagsasabotahe lamang sa Banal Na Kasulatan ang ilang talang nakasaad. Gayunpaman, manghawak tayo sa nakasaad sa Biblia. Ang mga rebelasyong ilalahad natin ay pagbibigay impormasyon lamang sa tagong misteryo sa ating daigdig na nahaluan ng katotohanan at kasinungalingan.

Atin pong uumpisahang talakayin ngayon ang nilalaman ng 2 aklat na hango sa Sumerian tablets at text. Nang maisalin ng iskolar at manunulat na si Zecharia Sitchin ang nilalaman sa wikang English ay nailimbag ito sa 2 aklat na pinamagatang The Lost Book of Enki at The Twelve Planet.

Ano ba ang nilalamang pahayag ng 2 aklat na ito na halos magkakaugnay at pareho ang nilalaman?




Sa naturang aklat na The 12th Planet, marami ang diyos na kung saan ay katutubo ng planetang Nibiru. Sila ang mga tinatawag na mga Annunaki na ang ibig sabihin ay “Silang mga nasa Langit na Nagtungo sa Lupa”. Ang ancient text na tinatawag na Book of Enoch, ang mga Annunaki ay tinatawag ding The Watchers. Ito rin ang katawagan umano sa mga diyos gaya rin ng katawagan ng mga Egyptians.

Ayon pa sa naturang aklat, mula nga sa planetang Nibiru ang mga Annunaki. Ang Nibiru ay tinatawag ding Planet of Crossing na ang elliptical orbit nito ay nasa pagitan ng planetang Jupiter at Mars na ang hangganan ay nasa Pluto. Umiinog ito kada 3,600 taon na katumbas ng rebolusyon sa palibot ng araw ng planetang Earth na 365 araw sa isang taon.




Batay sa pahayag ng modernong siyensiya, sinasabing ang Planet X ay humihimlay sa likuran ng Pluto at bahagi rin ng ating sistemang solar. Nakasaad din sa naturang konteksto na isinalin ni Sitchin ang pinagmulan o early formation ng ating sistemang solar. Ang Nibiru umano ang dahilan kung bakit sumabog ang isang planetang nasa pagitan ng Jupiter at Mars. Tinatawag ito ng mga Sumerians na Tiamat na sagana umano sa tubig na may layong 260 milyong milya mula sa araw.

Sinasabing ang debris mula sa collision ng planetang Tiamat at ng buwan ng Nibiru ay lumikha umano ng Great Band Bracelate na siyang asteroid belt na matatagpuan sa pagitan ng planetang Mars at Jupiter. At ang resulta ng kaganapang ito, nalikha naman ang planetang Earth.





ANG MGA ANNUNAKI!





Atin naman pong tatalakayin ngayon mga mahal kong kababayan ang tungkol sa mga Anunnaki (wikang English) o Annunaki sa wikang Filipino.

Ang mga Annunaki ay mga katutubo o mga naninirahan sa planetang Nibiru. Ayon sa aklat na The Twelve Planet, sila umano ang ating celestial ancestors. Ayon pa sa mga Sumerian records, bumisita sa ating planeta ang mga naturang mga nilalang mga mahigit 450,000 (o nasa 500,000) taon na ang nakakaraan.

Ang naturang kaganapan ay naitala at siya umanong pasimula ng sangkatauhan sa ating mundo. Nagsimula umano ang buhay ang sibilisasyong Sumeria mga 6 milenyo na ang nakakaraan o 6,000 taon. Sa mga talang nakasaad, walang malinaw na batayan kung saan nagmula ang naturang sibilisasyon o kung sino ang pasimuno nito. Ngunit, nagpapahayag ang mga konstekstong natuklasan nina Sitchin na ang mga Sumerians ang siyang unang sibilisasyon na nagtatala ng kasaysayan kaysa sa Babilonians, Egyptians, Akkadians, at Mesopotamians.




Ang kahulugan ng salitang Annunaki ay: “Those who from heaven to earth came”. Pagkatapos na ang planetang Tiamat ay masira at mahati sa dalawa, ang mga natirang kalahati nito ay lumikha ng bagong orbit. Ang mga Annunaki’y ay sinasabing lumapag doon at gumawa ng kolonya na tinatawag nilang Eridu. Ang mga pinuno ng nasabing kakaibang lahi ay tinatawag na Elohim ayon na rin sa konteksto ng Hebreo. Sila ay tinatawag ding super race na nanirahan umano sa daigdig kung saan ay wala pang nabubuhay tao.




Si Anu ang siyang hari ng planetang Nibiru at sinasabing lider ng kalangitan. Si Enlil na nakababatang anak nito ay siyang panginoon ng Upper Earth. Si Enki naman na nakakatandang anak nito na tinatawag ding Ea at Yah ayon sa mga iskolar (na kalauna’y tinatawag sa pangalang Yahweh) ay lider ng unang ekspedisyon sa Earth upang magmina ng ginto. Siya rin ang Lord of Lower Earth. Sila ay tinatawag umano na mga diyos.

Si Antu ay asawa at half sister ni Anu na siyang ina ni Enlil. Si Ninlil naman ay asawa ni Enlil. Si Ninki naman ay asawa ni Enki at si Ninhursag (aka bilang Ninti) ay anak na babaeng diyosa rin ni Anu.

Si Marduk naman (aka bilang si Baal) ay anak nina Enki at Ninki. Si Nanna ( aka bilang si Sin, Yeru, Jeru) ay anak naman nina Enlil at Ninlil. Si Ninurta naman ay anak nina Enlil at half sister nitong si Ninhursag.




Mula sa marangyang lahi o sinasabing mga diyos nga ay nagmula umano ang diyos at mga diyoses ng iba’t-ibang lahi na sinasamba ng mga ito. Ang mga mataas na uri ng mga Annunaki ay mayroong kolonya sa Planetang Luna (na siyang buwan ng Earth) at ang puwersang military, astronauts, at teknolohiya nito ay nakalagak naman sa planetang Mars.

Ilalahad pa natin ang misteryo ng mga Annunaki at ang mga kaganapan sa daigdig noong dumating sila rito sa susunod na labas.

Biyernes, Marso 25, 2011

PAGHUHUKOM SA MGA BANSA

PAGHUHUKOM SA MGA BANSA!



Ang serye ng mga kaguluhan ngayon ng mga nasyon ay nasa yugtong tinatawag na Paghuhukom ng mga Bansa sa aklat ni propeta Ezekiel.



Laganap ngayon ang kaguluhan sa ilang bansa lalo na sa ilang bansa sa Kanlurang Asya, Middle East, at sa Hilagang Aprika. Nababalot ng matinding tensiyon at pangamba angmga taong naiipit sa naturang kaguluhan. Sunod-sunod na rin kasi ang ilang kilos protesta ng mga mamamayan sa ilang mga nasyon na kung saan ay ninanais nilang patalsikin ang kanilang mga pinuno.

Na para sa mga tao, mababago ang sistema at masamang kalagayan ng kanilang bansa kapag napatalsik na ang para sa kanila’y masasamang pinuno. Una na ngang sumiklab ang kilos-protesta sa bansang Egypt kung saan ay nagtagumpay ang mga mamamayan dito na mapababa sa puwesto si Hosni Mubarak.

Kasunod naman nito ang tangkang pagpapatalsik kay Libyan lider, Muammar Gaddafi. At ngayo’y nasa ganitong sitwasyon din ang lider ng bansang Tunisia na si Prime Minister Mohamed Ghannouchi. Nangangamba na rin ang ilang apektadong lahi sa mga kaguluhan sa mga naturang nasyon na sisiklab din ang pag-aaklas ng mamamayan sa ibang bansa lalong-lalo na sa mga Muslim Countries.

Bakit nga ba nangyayari sa panahon natin ngayon ang mga kaguluhang ito? Na kung bakit sunod-sunod ang mga pagtatangka ng mga tao na patalsikin ang kanilang mga pinuno? At ang negatibong epekto nito at nagdudulot lamang ng kahirapan at pagkalugmok ng ekonomiya na damay pati ibang nasyon na hindi naman laganap ang ganoong katinding tensiyon.

Ang sagot, nasa yugto na kasi tayo ngayon ng tinatawag na “Paghuhukom sa mga Bansa”. Ang yugtong ito ay parte lamang ng kaganapan sa nalalapit na katapusan ng daigdig. Ang naturang yugto na ito ng panahon ay sinabi na noon ng Panginoong Diyos kay Propeta Ezekiel. Ganito ang nakasaad:

“Sinabi sa akin ni Yahweh, Ezekiel, anak ng tao. Magpahayag ka. Sabihin mo sa kanilang ito ang ipinasasabi ko: Matinding kapighatian sa araw na iyon ang darating. Sapagkat, malapit na ang araw, ang araw ni Yahweh. Magdidilim ang ulap sa araw iyon. Araw ng paghuhukom sa lahat ng bansa.”(Ezekiel 30:1- 3 Magandang Balita Biblia ).

Bagamat ang naturang talata ang saklaw sa pahayag ng Diyos kay propeta Ezekiel laban sa bansang Ehipto at Etiopia noong panahon ng naturang propeta, sumasaklaw din ang naturang talata sa makabagong panahon ngayon sa pangkalahatan.
At kapansin-pansin ang serye ngayon pagkakasunod-sunod ng kaguluhan sa mga bansa na umpisa sa Ehipto ay sinundan ng bansang Libya. Kasi, iyan po pala ay ipinaliwanag din sa aklat ng propetang si Ezekiel.

“Sa digmaang iyon ay mapapatay ang mga upahang kawal ng Etiopia, Libya, Lydia, Arabia, Kub, at ng aking bayan.” (Ezekiel 30: 5 MBB). Ang tinutukoy na digmaan dito ay ang digmaang sibil na nagaganap nga ngayon sa mga magugulong bansa gaya ng Libya, Yemen, Bahrain, at Tunisia.

Kung ating titingnan at lilimiin, may binigay na clue sa naturang talata kung s aanu-ano pang mga bansa magaganap ang kaguluhan. Nabanggit ang Arabia at Kub (o Cush a wikang Hebreo) na sakop ang bansang Sudan at Etiopia. Ngunit, sumasaklaw din ito sa mga bansang nasa Hilagang Aprika gaya ng Tunisia, Algeria at Somalia.
Nakasaad din ang Arabia na kung saan ay tumutukoy sa mga bansang nasa Middle East nga at Kanlurang Asya. Kung inyong titingnan ang mapa, ang mga bansang kabilang sa ito ay ang: Saudi Arabia, Yemen, Bahrain, Kuwait, Iraq, Iran, Jordan, Lebanon, at Oman.
Sa susunod, ating tatalakayin ang mga kapighatiang mararanasan ng mga bansang nasa ilalim ng “Paghuhukom ng mga Bansa”.


PAGHUHUKOM SA MGA BANSA Part 2


Ang mga pinunong sina Hosni Mubarak at Moammad Gadhafi ay halimbawa lamang ng mga pinunong pinarusahan ng Diyos gaya ng nakasaad sa Isaias 24:21. (image credit: Paul Grover).

Sa nakaraan nating tinalakay, ang mga nagaganp nga na kaguluhan, pag-aaklas ng mga mamamayan ng magugulong bansa sa ngayon upang mapatalsik ang kanilang pinuno ay maliwanag na isang yugto ng katuparan ng propesihiya ng propetang si Ezekiel.

Bukod pa sa naturang propeta, kapag nilimi pa natin ang mga kaganapan ngayon sa daigdig, nakasaad din iyon sa mga babala at paunang salita na ng Diyos sa papamagitan din ng propetang si Isaias.

Bakit nga ba nagngyayari ang mga kaguluhan ngayon sa ilang mga bansa? Ano-ano ang dahilan kung bakit nagaganap ang Paghuhukom sa mga Bansa (Ezekiel 30:1-3). May mga dahilan po kung bakit nangyayari ito at iyan ang ating aalamin.

Una- Dahil sa kasalanan at kasamaan ng tao. Kung kaya, parurusahan ng Diyos ang mga bansa na kung saan talamak na ang karahasan at kasamaan. (Isaias 24:6).

Ikalawa- Dahil sa katiwaliang nangayayari. May mga bansa na talamak ang korapsiyon na nagdudulot ng kahirapan at kaabahan ng mga mamamayan. May mga pinuno ng mga bansa na pinapayagang maghari ang katiwalian kung kaya nag-aaklas ang kanyang nasasakupan. (Isaias 59:3).

Ikatlo- Dahil sa masasama, sakim, at mga hambog na mga pinuno ng mga bansa. Na walang ginawa kundi magpakasasa sa yaman ng bayan. Na parang mga asong ulol na hayok sa laman na walang kabusugan. Salapi ang kanilang pinapanginoon. ( Isaias 56: 10-11/ 59:7-8).

Ikaapat- Ang mga bansang mapaghimagsik. (Isaias 65:2). Sila ang mga nasyon na nagmamatigas at nag-aakalang magaling. Sila ay banta sa kapayapaan. Ang mga bansang nag-iimbak ng armas nukleyar nagpapakita ng paghihimagsik. Na sa kabila ng babala at pagsuyo sa kanila na huwag gawin iyon ay patuloy pa rin silang nagmamatigas.

Kaakibat ng mga kaguluhan ng ilang bansa na nasasaksihan natin sa ngayon ay nariyan din ang kabi-kabilaang kalamidad na nagdudulot ng pagkasira ng lupa. Nagaganap ang paglindol o pagyanig ng lupa, pati na rin ng pagputok ng mga bulkan. (Isaias 24:19-20).

At ang nasasaksihan nating kilos protesta sa ilang bansa gaya ng Egypt, Libya, Yemen, Bahrain, Tunisia, upang patalsikin ang mga pinuno ay katuparan ng pahayag ng Diyos:

“Darating ang araw na parurusahan ni Yahweh ang hukbo ng kasamaan sa himpapawid. Gayundin ang mga hari rito sa daigidg.” (Isaias 24:21 MBB).

Kung kaya, ang mga ilang pinuno ( o mga hari) ng mga bansa na isinusuka na ng kanilang mamamayan ang kanilang liderato’y tanda lamang na sila’y pinarurusahan na. At kung ang isang pinuno ay matuwid at mabuti sa harap ng kanyang mamamayan, sa tingin po ninyo, patatalsikin ba siya?

Marahil may nagtatanong? Bakit pati mabubuti at matutuwid na tao na walang malay ay nadadamay sa mga kaguluhan? Kasama rin ba sila sa pinarurusahan? Hindi po. Hindi pababayaan ng Diyos ang matuwid. Ililigtas niya sila, tayo, sa kapahamakan basta dumaing lang tayo at hanapin siya. (Isaias 59:1). Kaya, gagawa ng paraan ang Diyos upang alisin at ilayo sa kapahamakan ang isang tao na nadadamay sa kaguluhan.

Miyerkules, Marso 23, 2011

MY TOP PORNSTARS MARCH 2011

May isang kolum ako sa pahayagang TORO tungkol sa mga pornstars. Ito ay ang POP PORN PROFILES na matutunghayan sa page 5 ng naturang dyaryo. Nilalaman ng naturang pitak ang mga pornstars na sa kabila ng karerang pinasukan ay respetado sila.

Sa ngayon, ito ang aking talaan ng mga Top Pornstars na hindi basta-basta. Sila ay iginagalang at kumikita ng malaki sa naturang industriya. Nahahanay din sila sa sexiest woman kasama ang mga celebrity, atleta, at mga modelo sa iba't-ibang panig ng mundo.

Kaya kung bibili kayo ng Triple X, bilhin nyo ang bala na sila ang bida. Kasi, kahit ma-e-el kayo sa kanila ay maiinlove naman kayo. Nariyan ang paghanga at respeto kahit sila'y ganun.Bumibili lamang ako ng bala o DVD kapag sila ang bida. Sila rin ang bino-browse ko sa internet. Hindisila katulad ng iba na balahura at basta na lamang bubuyangyang. Sila'y kabilang din sa mga highest paid pornstars sa ngayon.

Narito ang ilan sa kanila na dumaan sa masusing pagsusuri at pagkilatis.HIndi porke pornstar e okey nang lahat,. Dapat, class at matindi. Pero, ito ang ilan sa mga gusto ko talaga na mga paborito ko. Ravenson Biason's Top Pornstars.



Tingnan nyo maigi mga kaibigan at baka malito kayo. Sino si Tera Patrick at sino sa kanilang dalawa ang ang ating seksing si Angel Locsin? Hindi ba magkamukha?

Tingnan ang kanilang pagkakahawig...

Tera Patrick:







Our very own Pinay Sexy and Gorgeous actress Angel Locsin.








Tera Patrick

Angel Locsin


Magka-prototype yata ang dalawang ito.Ngayon sino ang magkamukha? Si Angel Locsin at si Glaiza De Castro o si Tera Patrick at si Angel Locsin? Di kaya ang kumalat na balita noon na may sex video si Angel ay napagkamalan lamang siya dahil si Tera Patrick iyon na binabanatan ng isang Hapon na kinunan ang shooting sa Thailand noong teenage years nito. Si Tera ay may dugong Thai, Canadian, at American.


Tera Patrick: Noong hindi ko pa lubusang kilala si Tera ay nagustuhan ko na ang kanyang appeal. Sa isang tingin hawig niya si Angel Locsin. Sa ibang pagkakataon, parang si Tetchie Agbayani. Iyon pala, de-kalibreng pornstar si Tera dahil siya na ngayon ang highest paid adult actress pagkatapos na mag-lay low sa adult industry si Jenna Jameson. Hindi ako nagsasawa sa kagandahan ni Tera at puwede mong ipagmalaki ang kanyang alindog.Kumikita si Tera ng $ 30 milyong dolyar o mahigit pa kada taon. Nagpro-produce ng mga klaro gaya ng Saints Row 2 at puwedeng mo siyang magamit bilang character sa Backyard Wrestling.


Sunny Leony: Malakas ang dating at karisma ni Sunny. Exotic ang dating.Isa si Sunny sa hinahanggan kong adult actress.


Ashlynn Brooke: Hindi ko feel at type noon ang isang ito. Pero, nang makilatis ang kanyang mukha. Palagay ko'y malambing si Ashlynn at nagugustuhan ko na ang kanyang mukha at katawan. Parang pinaghalong Britmey Spears at Kristen Stewart ang tingin ko sa kanya.


Aria Giovanni: Isang hardcore itong si Aria. Pero, nagustuhan ko ang kanyang malakas na sex appeal at katawan. Maganda rin siya.


Eve Angel:Ang ka-inosentehan ng mukha nito ang nagustuhan ko sa kanya. Malakas ang dating at kaibig-ibig.


Brea Lynn: Paningin ko sa kanya ay parang batang si Tetchie Agbayani. Matindi ang dating ng appeal ng mukha nito. Pero, sa kabila ng nakaka-akit niyang alindog, puwede mo siyang mahalin at hangaan.




Faye Reagan: Pamatay ang innocent look nito na parang walang kamuwang-muwang sa mundo. Maganda at maamo ang mukha pero nakaka-akit ang alindog. Napakaganda ng kanyang katawan na hindi mo basta-basta malilimutan. Kahit mapikas ang kanyang muka ay mala-anghel ang arrive nito. Parang si Anne Curtis siya sa unang tingin.


Melissa Lauren: Gustong-gusto ko ang matured pero mala-animal na katawan at mukha nito.



Carmella Bing: Mukhang matapang at suplado ang tipo nito pero gusto ko ang kapal ng hubog ng katawan niyang malaman. Hindi ka magsasawa sa kanya sa pagmamahal at makaisang-katawan. Parang si Marian Rivera ang tingin ko sa kanya sa isang sulyap.


Alexis Texas: Isa sa paborito kong adult actress si Alexis na tisay. Tingin ko, para siyang si Michelle Peiffer na pinaghalong Charlize Teron. Gusto ko sa kanya ang kanyang mata at nguso.




Abby Brookes: Nakyu-kyutan ako sa babaeng ito. Chubby na seksi at pamatay ang ngiti. Nakakawili ang kanyang mukha at nakakabaliw ang kanyag kaputian at tamang hubog ng katawan.




Bree Olson: Mukhang inosente pero malupit sa pagmamahal at pagpapadama ng init ang bebot na ito. Lubhang mukhang baby face pero ayos na sa kama. Hawig niya si Ashlynn Brooke sa unang tingin.


Sunny Lane: Inosente at batang-bata ang arrive ng pornstar na ito na rerespethin mo talaga. Isa pala siya dating skater sa olympics na sumabak sa adult industry. Gayunpaman, nagtatamo parin ng paghanga at respeto ng madla at sinasabing susunod sa yapak ni Jenna Jameson. Bagama't baguhan palang ay hindi pahuhuli sa katanyagan ngibang de-kalibreng pornstars.


Sophia Dee: Isa siya sa de-kalibreng pornstar na mestisa.Gusto ko sa kanya ang medto may pagka-misteryosa niyang mga mata na tsinita. Talagang malilimutan mo ang problema mo kapag nakita angkanyang alindog. Para siyang si Julianne Moore kung titingnan noong kabataan pa nito.


Kagney Linn Karter: Iba rin ang appeal ng alindog ni Kagney.May hawig siya sa ating local actress na si Carla Humphries kung titingnan maigi. Hindi rin pahuhuli ang bebot na ito na umaani na ng tagumpay at respeto sa madla.


Kaylani Lei: Hindi pahuhuli ang pornstar na ito na may dugong Pinoy pagdating sa pag-ani ng respeto at paghanga sa Adult Entertainment. Exclusive na adult actress na naka-kontrata sa Wicked Pictures na katamabal ng isa pinakamalaking adult company sa mundo va VIvid. Isa siya sa top rated pornstars sa ngayon.

Linggo, Marso 20, 2011

MGA OBRANG KOMIKS SA ATLAS


Kuwentong AYAW NANG MABIYUDA ULI ni: Ravenson Biason. Guhit ni: Danny Lorica, Front cover ng HAPPY Komiks.


Kuwentong BAHALA NA ANG NASA ITAAS ni Ravenson Biason. Guhit ni: Danny Lorica.


Kamakailan lamang ay nagkaroon ng isang engrandeng pagtitipon sa bakuran ng Atlas Publication na siyang pinakamalaking comics publication sa bansa sa nakalipas na 10 taon. Noong kaagahan ng unang pagpasok ng unang dekada ng taong 2000, humina na ang ilang tagapaglathala ng komiks sa Pilipinas, partikular na ang ilang publications gaya ng GASI, Sonic, API at iba pa.


Kuwentong MANG-AAGAW NG LAKAS NI: Ravenson Biason SA HAPPY KOMIKS: Guhit ni Jason Saldajeno


Ngunit, taong 2003 ay buhay pa ang komiks ng Atlas at napukaw uli ang diwa ko nun na muling magsulat. Hinahanap-hanap kasi ng aking katawan. Nang sa yugto ng panahon na sinasabi nila na nasa pagkalugmok na ang industriya ng komiks, sige pa rin ako sa pagsusulat dahil libagan ko na talaga. Kulang ang buhay ko kapag walang komiks. Pakiramdam ko, magkakasakit ako ng malubha kung di ko ginawa iyon.

Noong mga panahong iyon, naabutan kong editor ng komiks sina mam Terry Bagalso, Jocelyn Domingo, at sir Fidel Pestano. Kalaunan, si sir Danny Marquez na ang naging editor ng komiks na pinagsasabmitan ko ng kuwento.



Kuwentong TUBIG TALAGA ni Ravenson Biason.



File photo ni Ravenson Biason noong taong 2007 tungkol sa talakayan sa pagbabalik ng komiks.


Nagpasa ako ng iskrip sa mga komiks ng Atlas na litaw pa nun gaya ng Pilipino, Espesyal, Hiwaga, Happy, True Horoscope Stories, Love Story, at Tagalog. Pero, bumenta ang tirada ko sa Happy Komiks kung saan marami akong nailathalang kuwento.

Naging kabatak korin ang mga kontemporaryong writer at artist sa bakuran ng Atlas na sina Danny Lorica, Rodel Noora, Vher Quimpo, Dennis Labaco, Bing Cansino, Vic Aure, Randy Torres, Carlos Funtaniel, Tina Francisco,Randy Valiente at Jason Saldajeno.



Kuwentong STANDING OVATION ni Ravenson Biason

Sa bakuran ng Atlas, naging cartoonist ako sa kanilang inililimbag na pahayagan na PEOPLES BALITA na kung saan ay si Mam Cristina Dacillo ang nagbigay sa akin ng break sa tulong na rin ng katotong si Dennis Labaco.

Doon ay nakilala ko at naging tropa ang ilang magagaling na kartunista ngayon na sina Bladimer Usi at William Contreras. Ang kartun strip na ginawa ko doon ay PUREKIDS na tumakbo ng halos 3 taon.




Kuwento: LIHIM ni Ravenson Biason. Guhit ni J.P Oliveros. LOVE STORY Komiks.

Nagagalak ako at lubos na nabubuhayan ng pag-asa nang muling tumapak ang aking paa sa bakuran ng ATLAS na humubog sa akin bilang ganap na manunulat. Ang taos pusong pagmamahal sa komiks at sa industriya. Na kahit nasa takipsilim na nun ang yugto ng komiks ay sige pa rin akong umaasa at nanalig na muli rin itong mabubuhay at babangong muli.



Kuwentong TWIST AND TURN ni Ravenson Biason: Guhit ni Rod Manuel

" Umaasa ako na ang sining ng komiks ay mulign dadaloy sa puso ng bawat Pilipino. Ang diwa nito ay muling aahon sa putik ng karimlan at muling masisilayan ang sikat ng araw... ng araw ng pagbangon."