For seven years, after retiring as a komiks scriptwriter, muling yumapak ang paa ko sa dating lugar na pinupuntahan ko, ang bakuran ng Atlas Publication sa 21st Ave, Cubao Quezon City. More or less 3:00 PM na nang makarating ako sa Atlas. Sa bungad pa lang ng canteen na nasa second floor ng gusali, kung saan ginaganap ang reunion marami ng nakapaskil na mga ilustration (most of them were originals) ng iba’t ibang artist. May mga old komiks din ng Atlas na naka-display. Para ngang komikon ang dating nito bagamat ang naiba lamang ay walang mga indie komiks na itinitinda sa mga mahahabang lamesang nakapaikot sa gitna ng canteen. Ang mga nakaupo dito ay ang mga dating writer, illustrator, at iba pang mga taong naging bahagi ng industriya. Sa gitna ay naroon ang mahabang lamesa na may mga nakalatag na pagkain.
Kumakain na sila pagdating ko kaya naki-join na rin ako. Si Nicky Astronomo ang unang bumati sa akin pagpasok ko, then I joined seat with writers Rudy Concepcion, Harold Dormido and Anton Reyes. Bagamat nabanggit na sa akin ni Alex Areta na nawalan na ng paningin ni Anton Reyes, noon ko lang ito napatotohanan. Nakalulungkot pero labis akong humanga sa kanya dahil sa kabila ng hindi na niya nakikita ang kanyang paligid, higit sa lahat , ang mga mukha at anyo ng mga dati naming nakasama sa pagsusulat at pagdidibuho sa reunion na iyon, naroon siya at nag-participate.
There’s a lot of familiar faces I saw there, although, ang karamihan ay totoong nadagdagan na ng idad (kasama na ako) ganoon man, ang nagniningas naming puso sa dating larangang minsan ay aming ginalawan ay hindi naglaho. Ang ilan sa mga nakilala at napansin kong writers at illustrators na naroon ay sina Elena Patron, Ofelia Concepcion, Rico Rival, Hal Santiago, Rod Santiago, Rod Manuel, Nar Castro, Danny Lorica, Ding Abubot, Rolly Buenafe, Nestor Malgapo, Clem Rivera, Glady Gimena, Beth Lucion Rivera, RJ Nuevas, Joseph Balboa, Renato Custodio, Bobby Villagracia, Ravenson Biason, Arnold Renia Cruz, Emerico Juarez, Jaime Estrabella, Rey Atalia, Joe Dalde, Toti Cerda, Tina Francisco, Rey Arcilla, Randy Valiente, at marami pang iba na hindi ko na gaanong napansin dahil sa naging abala na ako sa pakikipagkuwentuhan sa mga nakasabayan kong writer at maging kay Nestor Malgapo na nag-imbita sa akin na pumunta ako sa reunion na ito thru my Komixpage Blog. Before 5:30 PM, isa isa nang nag-uwian ang mga artist at writer although, kumakanta pa at nagka-karaoke si Ding Abubot at marami pa rin ang naiwan. Sumabay na ako kina Nicky Astronomo, Nestor Malgapo, Rolly Buenafe, Hal Santiago Clem Rivera at iba pang artist.
Lahat ng dumalo ay bakas ang kasiyahan sa anyo. Hindi lamang dahil sa nakakain kami (ng libre) at nakatanggap ng “Cotton Club” products bilang give away ng Atlas, ang “pinaka-mahalaga” dito ay nagkaroon kaming muli ng pagkakataong magkita-kita, mag-bonding, magkabalitaan, at sama-samang muling alalahanin ang komiks, ang industriyang minsan ay ginalawan namin, naging bahagi kami, at minahal. Sa Atlas Publication, isang malaking pasasalamat ang ipinaaabot ng Komixpage.
Artist Arnold Renia Cruz, Nestor Malgapo, and
Ravenson Biason
Nicky Astronomo, Toti Cerda, Nestor Malgapo,
Rey Atalia, and Clem Rivera
Nestor Malgapo, Rolly Buenafe and Ravenson Biason
Posted by Arman T. Francisco at 5:37 AM
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento