Martes, Marso 29, 2011

ANG PLANETANG TIAMAT

ANG PLANETANG TIAMAT
Batay sa aklat na The 12th Planet



Ang planetang Tiamat ay dati umanong nasa pagitan ng planetang Mars at Jupiter. Nagkaroon ng banggaan ito sa buwan ng planetang Nibiru at nawasak.

Ang mga paksa po na ating tatalakayin ay isa lamang paglalahad ng misteryo na maaaring makaligaw ng inyong paniniwala at pinanghahawakan sa ngayon. Nasa sa inyo po mga kababayan kung inyong paniniwalaan o hindi.

Upang malaman natin kung ano ang pagkakaiba nito sa nakasaad sa Biblia. Sa gayun, malalaman natin na ang mga ito ay pagsasabotahe lamang sa Banal Na Kasulatan ang ilang talang nakasaad. Gayunpaman, manghawak tayo sa nakasaad sa Biblia. Ang mga rebelasyong ilalahad natin ay pagbibigay impormasyon lamang sa tagong misteryo sa ating daigdig na nahaluan ng katotohanan at kasinungalingan.

Atin pong uumpisahang talakayin ngayon ang nilalaman ng 2 aklat na hango sa Sumerian tablets at text. Nang maisalin ng iskolar at manunulat na si Zecharia Sitchin ang nilalaman sa wikang English ay nailimbag ito sa 2 aklat na pinamagatang The Lost Book of Enki at The Twelve Planet.

Ano ba ang nilalamang pahayag ng 2 aklat na ito na halos magkakaugnay at pareho ang nilalaman?




Sa naturang aklat na The 12th Planet, marami ang diyos na kung saan ay katutubo ng planetang Nibiru. Sila ang mga tinatawag na mga Annunaki na ang ibig sabihin ay “Silang mga nasa Langit na Nagtungo sa Lupa”. Ang ancient text na tinatawag na Book of Enoch, ang mga Annunaki ay tinatawag ding The Watchers. Ito rin ang katawagan umano sa mga diyos gaya rin ng katawagan ng mga Egyptians.

Ayon pa sa naturang aklat, mula nga sa planetang Nibiru ang mga Annunaki. Ang Nibiru ay tinatawag ding Planet of Crossing na ang elliptical orbit nito ay nasa pagitan ng planetang Jupiter at Mars na ang hangganan ay nasa Pluto. Umiinog ito kada 3,600 taon na katumbas ng rebolusyon sa palibot ng araw ng planetang Earth na 365 araw sa isang taon.




Batay sa pahayag ng modernong siyensiya, sinasabing ang Planet X ay humihimlay sa likuran ng Pluto at bahagi rin ng ating sistemang solar. Nakasaad din sa naturang konteksto na isinalin ni Sitchin ang pinagmulan o early formation ng ating sistemang solar. Ang Nibiru umano ang dahilan kung bakit sumabog ang isang planetang nasa pagitan ng Jupiter at Mars. Tinatawag ito ng mga Sumerians na Tiamat na sagana umano sa tubig na may layong 260 milyong milya mula sa araw.

Sinasabing ang debris mula sa collision ng planetang Tiamat at ng buwan ng Nibiru ay lumikha umano ng Great Band Bracelate na siyang asteroid belt na matatagpuan sa pagitan ng planetang Mars at Jupiter. At ang resulta ng kaganapang ito, nalikha naman ang planetang Earth.





ANG MGA ANNUNAKI!





Atin naman pong tatalakayin ngayon mga mahal kong kababayan ang tungkol sa mga Anunnaki (wikang English) o Annunaki sa wikang Filipino.

Ang mga Annunaki ay mga katutubo o mga naninirahan sa planetang Nibiru. Ayon sa aklat na The Twelve Planet, sila umano ang ating celestial ancestors. Ayon pa sa mga Sumerian records, bumisita sa ating planeta ang mga naturang mga nilalang mga mahigit 450,000 (o nasa 500,000) taon na ang nakakaraan.

Ang naturang kaganapan ay naitala at siya umanong pasimula ng sangkatauhan sa ating mundo. Nagsimula umano ang buhay ang sibilisasyong Sumeria mga 6 milenyo na ang nakakaraan o 6,000 taon. Sa mga talang nakasaad, walang malinaw na batayan kung saan nagmula ang naturang sibilisasyon o kung sino ang pasimuno nito. Ngunit, nagpapahayag ang mga konstekstong natuklasan nina Sitchin na ang mga Sumerians ang siyang unang sibilisasyon na nagtatala ng kasaysayan kaysa sa Babilonians, Egyptians, Akkadians, at Mesopotamians.




Ang kahulugan ng salitang Annunaki ay: “Those who from heaven to earth came”. Pagkatapos na ang planetang Tiamat ay masira at mahati sa dalawa, ang mga natirang kalahati nito ay lumikha ng bagong orbit. Ang mga Annunaki’y ay sinasabing lumapag doon at gumawa ng kolonya na tinatawag nilang Eridu. Ang mga pinuno ng nasabing kakaibang lahi ay tinatawag na Elohim ayon na rin sa konteksto ng Hebreo. Sila ay tinatawag ding super race na nanirahan umano sa daigdig kung saan ay wala pang nabubuhay tao.




Si Anu ang siyang hari ng planetang Nibiru at sinasabing lider ng kalangitan. Si Enlil na nakababatang anak nito ay siyang panginoon ng Upper Earth. Si Enki naman na nakakatandang anak nito na tinatawag ding Ea at Yah ayon sa mga iskolar (na kalauna’y tinatawag sa pangalang Yahweh) ay lider ng unang ekspedisyon sa Earth upang magmina ng ginto. Siya rin ang Lord of Lower Earth. Sila ay tinatawag umano na mga diyos.

Si Antu ay asawa at half sister ni Anu na siyang ina ni Enlil. Si Ninlil naman ay asawa ni Enlil. Si Ninki naman ay asawa ni Enki at si Ninhursag (aka bilang Ninti) ay anak na babaeng diyosa rin ni Anu.

Si Marduk naman (aka bilang si Baal) ay anak nina Enki at Ninki. Si Nanna ( aka bilang si Sin, Yeru, Jeru) ay anak naman nina Enlil at Ninlil. Si Ninurta naman ay anak nina Enlil at half sister nitong si Ninhursag.




Mula sa marangyang lahi o sinasabing mga diyos nga ay nagmula umano ang diyos at mga diyoses ng iba’t-ibang lahi na sinasamba ng mga ito. Ang mga mataas na uri ng mga Annunaki ay mayroong kolonya sa Planetang Luna (na siyang buwan ng Earth) at ang puwersang military, astronauts, at teknolohiya nito ay nakalagak naman sa planetang Mars.

Ilalahad pa natin ang misteryo ng mga Annunaki at ang mga kaganapan sa daigdig noong dumating sila rito sa susunod na labas.

Walang komento: