Sila ay mula sa kursong AB Journalism at kilala ko ang isa sa kanila na si Ayelski, graduating student na. Sila ay limang katao at naganap ang panayam sa loob ng isang fast food sa Philcoa Q.C. Pinaunlakan ko sila kahit pagod ang inyong lingkod. Wala namang masama kung pagbibigyan ko sila. Hindi ko sila puwedeng biguin.
Tinanong nila ako ng kung anu-ano tungkol sa aking pagsusulat. Simula sa komiks hanggang sa pagsusulat ko sa mga pahayagan. pati mga kasabihan ko na nagsisilbi kong prinsipyo sa buhay ay tinanong nila para may ideya sila kung anong klase akong tao.
ito ang mga ibinigay kong kasabihan ko sa kanila.
" Ang pagsunod sa nararamdaman ng puso ay pagsunod sa katotohanan."
" Kung minsan, ang sobrang kabaitan ay nagbibigay din ng maling intensiyon sa iba."
" Ang papuri ay mainam. Ngunit ang papuring sobra-sobra ay nakakalason ng isipan. Gagawin ka nitong hangal at mayabang."
" Ang salitang puno ng pampalakas ng loob ay malaki ang nagagawa upang humarap kang may pag-asa sa mga pagsubok."
Sa wikang English ay:
"Following the feelings of the heart is keeping the truth. "
"Sometimes, too much kindness also gives others the wrong intentions."
"The praise is good. But the praise was noxious plenty of thought. You do this foolish and arrogant."
"The word full of encouragement are great you done to deal with hope to the test."
Isang larawan ko sa FB na in-upload nina Ayelski sa panayam nila na lumabas sa independent journal na nilalathala nila tungkol kay Mr. Ravenson Biason
sa isinagawang panayam, nilahad ko ang pagkahilig ko sa pagsusulat at pagguhit. Simula sa komiks hanggang sa mga pahayagan ngayon.
Narito ang nilalaman ng panayam:
Ayelski: Anong taon po kayo nagsimulang magsulat sa komiks at sa dyaryo?
RB: 17 years old ako nagsimula talagang magsubmit ng mga script sa komiks sa GASI, Sonic, at API, publication pati sa Atlas. Pero, gumagawa na ako talaga ng script nun sa komiks sa edad na 15-anyos. Plano ko talaga nun e maging illustrator. Pero, nang makita ko ang mga hinahangan kong mga dibuhista sa komiks, gusto kong magsulat na lang at sila ang guguhit ng mga kuwento ko. Sa dyaryo naman, taong 2008 ako nasabak sa pagsusulat.
Ayelski: Sa anu-ano pong komiks kayo nagsusulat noon? At ano po ang tema ng mga sinusulat nyo naman sa dyaryo?
RB: Sa Lovelife, Beloved, Komedi, Kuwento sa Dilim, Salamin ng Lagim, Engkantada, Engkantasya, Kuwento Ni Lola, Sonic Horoscope, Daigdig ng Lagim, at sa Pantasya komiks. sa Atlas Publication naman ay sa komiks na : Happy, Espesyal, Tagalog, Love Story, at Hiwaga komiks ako nagsusulat.
Ang tema naman ng sinusulat ko sa dyaryo ay prosang mga nobela. Mga kababalaghan o mga Weird stories. Nagsusulat din ako ng comics novel sa komiks.
( original post by: Ayelski Sue)
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento