Ang blog na ito ay tungkol sa sining ng komiks, musika, mga akda, at iba pang paksa tungkol sa kalikasan, heograpiya, panitikan, kalusugan, fashion, sexy, at misteryo.
Linggo, Marso 20, 2011
MGA OBRANG KOMIKS SA ATLAS
Kuwentong AYAW NANG MABIYUDA ULI ni: Ravenson Biason. Guhit ni: Danny Lorica, Front cover ng HAPPY Komiks.
Kuwentong BAHALA NA ANG NASA ITAAS ni Ravenson Biason. Guhit ni: Danny Lorica.
Kamakailan lamang ay nagkaroon ng isang engrandeng pagtitipon sa bakuran ng Atlas Publication na siyang pinakamalaking comics publication sa bansa sa nakalipas na 10 taon. Noong kaagahan ng unang pagpasok ng unang dekada ng taong 2000, humina na ang ilang tagapaglathala ng komiks sa Pilipinas, partikular na ang ilang publications gaya ng GASI, Sonic, API at iba pa.
Kuwentong MANG-AAGAW NG LAKAS NI: Ravenson Biason SA HAPPY KOMIKS: Guhit ni Jason Saldajeno
Ngunit, taong 2003 ay buhay pa ang komiks ng Atlas at napukaw uli ang diwa ko nun na muling magsulat. Hinahanap-hanap kasi ng aking katawan. Nang sa yugto ng panahon na sinasabi nila na nasa pagkalugmok na ang industriya ng komiks, sige pa rin ako sa pagsusulat dahil libagan ko na talaga. Kulang ang buhay ko kapag walang komiks. Pakiramdam ko, magkakasakit ako ng malubha kung di ko ginawa iyon.
Noong mga panahong iyon, naabutan kong editor ng komiks sina mam Terry Bagalso, Jocelyn Domingo, at sir Fidel Pestano. Kalaunan, si sir Danny Marquez na ang naging editor ng komiks na pinagsasabmitan ko ng kuwento.
Kuwentong TUBIG TALAGA ni Ravenson Biason.
File photo ni Ravenson Biason noong taong 2007 tungkol sa talakayan sa pagbabalik ng komiks.
Nagpasa ako ng iskrip sa mga komiks ng Atlas na litaw pa nun gaya ng Pilipino, Espesyal, Hiwaga, Happy, True Horoscope Stories, Love Story, at Tagalog. Pero, bumenta ang tirada ko sa Happy Komiks kung saan marami akong nailathalang kuwento.
Naging kabatak korin ang mga kontemporaryong writer at artist sa bakuran ng Atlas na sina Danny Lorica, Rodel Noora, Vher Quimpo, Dennis Labaco, Bing Cansino, Vic Aure, Randy Torres, Carlos Funtaniel, Tina Francisco,Randy Valiente at Jason Saldajeno.
Kuwentong STANDING OVATION ni Ravenson Biason
Sa bakuran ng Atlas, naging cartoonist ako sa kanilang inililimbag na pahayagan na PEOPLES BALITA na kung saan ay si Mam Cristina Dacillo ang nagbigay sa akin ng break sa tulong na rin ng katotong si Dennis Labaco.
Doon ay nakilala ko at naging tropa ang ilang magagaling na kartunista ngayon na sina Bladimer Usi at William Contreras. Ang kartun strip na ginawa ko doon ay PUREKIDS na tumakbo ng halos 3 taon.
Kuwento: LIHIM ni Ravenson Biason. Guhit ni J.P Oliveros. LOVE STORY Komiks.
Nagagalak ako at lubos na nabubuhayan ng pag-asa nang muling tumapak ang aking paa sa bakuran ng ATLAS na humubog sa akin bilang ganap na manunulat. Ang taos pusong pagmamahal sa komiks at sa industriya. Na kahit nasa takipsilim na nun ang yugto ng komiks ay sige pa rin akong umaasa at nanalig na muli rin itong mabubuhay at babangong muli.
Kuwentong TWIST AND TURN ni Ravenson Biason: Guhit ni Rod Manuel
" Umaasa ako na ang sining ng komiks ay mulign dadaloy sa puso ng bawat Pilipino. Ang diwa nito ay muling aahon sa putik ng karimlan at muling masisilayan ang sikat ng araw... ng araw ng pagbangon."
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento