PLANET X, DARATING BA SA TAONG 2012?
Ang mga Sumerian ay naniniwala na ang planetang Nibiru ay umiiral. Nakukumpleto nito ang pag-ikot sa araw (revolution) kada 3,600 taon sa panahon natin.
Ngayon ating pong tatalakayin ngayon sa pitak na ito ang tungkol sa planet Nibiru o ang tinatawag na Planet X.
Ang naturang planeta’y naaninag ng mga astronomers noong 1983 pa sa outermost o halos nasa labas na ng sistemang solar. Ito ay namataan ng infrared observatories na nakita umiikot sa Kuiper Belt. At ngayo’y mabilis raw itong papalapit sa atin at maaaring makapasok sa ating inner Solar System sa taong 2012.
Ito ay natuklasan ng NASA’s Infared Astronomical Satellite (IRAS) na may layong 50 bilyong milya. Naging misteryoso ang naturang tuklas at nagdulot ng kuryusidad at ingay sa tao. Nalathala sa Washington Post noong ika-31 ng Disyembre 1983 ang tungkol sa Nibiru na may pamagat na “Mystery Heavenly Body Discovered”.
Pinag-aralan ng mga astronomers sa loob ng 5 taon ang Nibiru at pinaniniwalang isang small star na katulad ng ating sun. Tuloy, nagkaroon ng hinuha na ang ating solar system ay isang binary system. Mismong si Zecharia Sitchin ang nagpangalan sa misteryosong planeta na pinaniniwalang niyang tinatahanan ng human ancestors bago pa lalangin ang Earth.
Ano raw ang magiging epekto ng paglapit ng Nibiru sa ating planetang Earth? Sinasabing milyong o bilyong tao ang maaaring mamatay, lalo pang lalala ang global warming, paglindol, tagtuyot, taggutom, solar eclipse, killer solar flares. Ang posible pang epekto nito kapag malala na ay digmaang pansanlibutang muli o World War III. Ang solar flares ay dulot ng Nibiru na nagdudulot ng blasting o pagpapasabog sa core ng Solar System.
Sa pagtantiya nga, lahat ng ito’y magaganap sa taong 2012 at ngayon pa lang ay dapat nang paghandaan ang mga kalamidad at sakunang darating. At ang nakakagimbal, paghandaan na rin natin ang ating katapusan… ang katapusan ng human race.
Ang pagdating ng Nibiru’y dulot ng highly essentric orbit na magdudulot ng gravitational havoc sa Earth. Ito’y magdudulot naman ng geological, social, economic, at environmental damage. Ayon kay John Major Jenkins, kung magaganap man ang lahat ng ito’y hindi pa ito ang katapusan ng daigdig. Kundi, magsisimulang muli ang bagong kasaysayan ng sangkatauhan.
Kapag may mga naka-survive sa pinsalang dulot ng Nibiru’y ay awtomatikong magsisimula ang time o taon sa bilang na 0. Reset ika nga ang panahon sa ganoong bilang. Kaya, kapag nakabangon ang earth at may mga nakaligtas sa sakuna’y ay magsisimula muli ang pag-inog ng buhay at panahon sa petsang Enero 1, 0001. Inyo pong mapapanood sa You Tube ang mga video na patungkol sa Nibiru at kung anong dulot nito kapag tumama sa ating planeta. Ayon kay Nancy Leider, sa Hulyo 2012 ay lalo pang lalapit ang Nibiru sa mundo.
Paunawa po, ito ay pagtantiya lamang ng iba at walang dapat ipangamba. Atin lamnang pong inilahad ang tungkol sa Nibiru upang malaman natin kung ano ang misteryo tungkol sa planetang ito.
PAGTUKLAS SA PLANET NIBIRU!
Ang artikulong lumabas sa New York Times noong ika-30 ng Enero 1983 tungkol sa Planet X.
Kapag pinag-uusapan ang Planet X, asahan mong babarahin ka ng mga taong hindi aruk ang kahiwagaan tungkol dito. Kung ang naturang planeta ay talagang umiiral, sasabihin umano ng gobyerno (ng Estados Unidos) ang tungkol dito.
Nagtatanong tuloy ang mga taga- NASA nang ganito: “Are We Alone in the Universe?” Noong taong 1992, ang video ni Zecharia Sitchin ay unang nagpahayag ng tungkol sa Planet X na bukod pa sa NASA Press release. Ang video ay may pinamagatang: “Are We Alone in the Universe? Na mas pinaigi pa noong taong 2003. Ito ay patungkol nga sa naturang planeta na tinatawag ding Nibiru ni Sitchin.
Ang hindi maipaliwanag na paggalaw ng orbit ng planetang Uranus at Neptune ay nagtuturo pa sa malaking point ng outer solar system body may timbang 4-8 beses na bigat sa planetang Earth. Ang highly tilted orbit ay may layong 7 bilyong milya mula sa araw. Ayon kay Sitchin, ang pagkatuklas na ito ng NASA ay isang bombshell na hindi inaasahan ng sangkatauhan.
“Noong nakalipas na 10 taon, ang gobyerno ng US sa pamamagitan ng Naval Observatory ay lumayag para sa pagtuklas ng Planet X. Ang lider ng team na nagsasaliksik sa naturang proyekto ay si Dr. Harrington na sumang-ayon sa mga ancient evidence na aking inilatag. Noong panahong iyon, ang The New York Times ay nagsulat ng isang artikulo tungkol sa pag-iral ng post Plutonian planet na pinangalanan… (Nibiru)
Wala nakong pagdududa noong mga panahong iyon. Sa aking paniniwala at pananaliksik na ginawa rin ng awtoridad, ang pag-iral ng Nibiru ay opisyal nang kinompirma.” pahayag ni Zecharia Sitchin.
“Kapag pinag-usapan ang Planet X, asahan mo na ang pambubuska ng mga taong hindi naniniwala rito. Tinatawag din ng ibang nagdududa na Eris o Tenth Planet ang Nibiru. Ang object ng Eris ay mas malaki ng kaunti sa Pluto at may 60% laki sa sukat ng ating buwan. Noon ko pa sinasabi na ang Pluto ay hindi isang planeta, kundi isang lifeless rock object sa kalawakan. Ngayon nila napatunayan na tama ang hinuha ko noong taong 1983.” ani pa ni Sitchin noong Seyembre 21, 2009 sa Planet X at 2012 Forum.
Kinumpirma naman ni Steve Russell sa kanyang panayam noon kay Sitchin noong Enero 10, 1983 na si Sitchin ang unang nakatuklas ng Planet X. Noong Enero 26, 1983, 16 araw pagkatapos ihayag ni Sitchin ang panayam sa kanya ni Russell sa The New York Times, ini-launched ng NASA ang Infrared Astronomical Satellite (IRAS).
Doon ay nakakuha ng IRAS ng satellite image ng Planet X noong nagsagawa sila ng sky survey noong araw ding iyon. Apat na araw pagkatapos noon, lumabas sa artikulo ng New York Times ang tungkol sa Planet X noong ika-30 ng Enero 1983, araw ng Linggo.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento